Daily Living

Repost: pASaWaY na HouseMates sa bAhAY ni ManG Tano..

Two years had waned and here’s the story goes…

October 15, 2006 lumipat kami sa isang maayos na tirahan, kasama ang isang taong itinuring ko na ring hindi iba, naituring ko ng isang kaibigan. Doon kasi’y umaasa kaming magiging maayos ang aming araw-araw at gabi-gabing pagtigil. Dahil mas malapit at mas ligtas.

Subalit iilang araw pa lang kaming nanatili sa apat na sulok ng kwartong iyon, unti-unti naming natuklasan at naranasan ang hirap. Oo, magaling silang makisama, subalit iyon ay hindi sapat para sa amin. mahilig sila sa panggabing kasiyahan, halos gabi-gabi ay hating-gabi na umuuwi. Anupa’t aasahang kami ay mga nakahilata at gumagawa na ng tulog sa kalaliman ng gabi. At xempre pa’y sila’y dumadating sa gis-oras ng gabi, alam namin yun, dahil sila’y nanggigising, walang pakiaalam sa mga kasama. Para bang sila lang ang tao sa loob ng kwartong iyon. Napakalalakas ng boses, magkalapit lng naman sila ng higaan, bakit kailangan pang maghiyawan… (Please don’t bellow, someone’s sleeping) sa isip isip ko.. Pasalamat sila at kaming dalawa ng kaibigan ko ay napakahaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaba ng pasensya, hinahayaan namin sila… Iyon nga lamang at mukhang inaabuso naman, idinadaan na lang namin sa pagsawalang kibo… Hidi lang pag-iingay ang kanilang forte, may ilang araw din silang nagdadala ng lalaki sa bahay at doon pinatutulog sa tabi nila… Inyong isipin, ako ay nasa ikalawang palapag ng isang double deck, at sila’y nasa ilalim ko lamang, siguro’y inaakala nilang hindi ko alam ang kanilang ginagawa, ako’y nakahiga lamang subalit ang aking isip at diwa ay maluwang na gising. Tatlong beses itong naganap, dun sa isang kasama ko sa bahay na nasa ilalim ko, ito’y nagaganap tuwing sabado ng gabi na siguro’y inaakala nya na siya’y walang kasama sa kwarto… November 23, noong lumilindol at ang isa ay hindi ko na mataandaan. Nitong February 10, 2007 araw ng sabado, ang kanyang kaibigan naman ang nagsama ng lalaki,(magkaibigan nga sila-pareho sila ng likaw ng bituka!!) isang lalaki ang isinaman nya. Paano ko nalaman?, dahil itong lalaking ito ay umubo at nabosesan kong may lalaki sa kwarto, mga bandang alas onse na marahil iyon ng gabi, na akala uli nila ako’y tulog na, malaking kamalian… Alam ko ang kanilang ginagawa. Mataman pa nilang itinutok ang aking stand fan sa kanila, sa lakas ns No 3.. Ano kaya ang kanilang ginagawa??? Hmmmmmmm… Isipin nyo na lang kung ano, basta ako’y may naririnig na langitngit ng hiogaan, iyon ay sa kabilang double deck, sa ilalim ng higqaan ng aking kaibigan, subalit ang kaibigan kong itoy wala t umuwi sa kanila… Gising ako nung mga oras na iyo hanggang alas dos ng madaling araw sapagkat ako’y nangangamba baka kung ano ang gawin nila sa akin… May sumisilip na liwanag m ula sa bintana kaya sila ay aking naaaninag.. Lumakas ang harok ng lalaki……… Ano pat nung mga madaling araw siguro’y mga alas singko ng umaga, ang lalaki ay umalis, mga ganoong oras sila lumalarga upang siguro’y hindi makita ng may-ari.. Alas sais ng umaga, bumaba ako ng aking higaan upang magbanyo, nakita ko sa paanan nung babae, isang salwal ng lalaki (boxer short) uy naiwan nya.. Gosh isipin nyo na lng kung anong nagyari,.. Basta tumawag si lalaki kay babae sa telepono, at dahil nakaloudspeaker, dinig na dinig kung sinabi nung lalaki na, “totoott, naiwan ko ang boxer short ko jan”,,,, Isang palaisipan……. Ako noong mga panahong iyon ay nakahiga pero gising lang… Laging ganon, maagang nahihiga pro gising lang… Salamat sa Kanya dahil sa wakas iniwan na namin ang kwartong iyon, kami ngayon ng aking kaibigan ay lumipat sa kabilang kwarto, tahimik, maayos at hindi nagdadala ng lalaki,…. In short hindi mOtEl……. Sana’y umuupa na lang sila sa biglang liko kesa gawin nila un sa isang paupahang bahay… At eto pa ang isaNg matinding rebelasyon, meron silang BoYFRIEND at hindi nila BF ung dinadala nila sa bahay… Paano ko nalaman??,, hindi nila ako pinagkekwentuhan ng kanilang luvlyf, pero sa lakas ng boses nilang dalawang magkaibigan habang sila’y nagkwkwentuhan habang kami’y nakahiga, parang ikinekwento na rin nila sa amin ang lahat lahat….

SILA AY HATULAN MATAPOS NA AKO’Y MAGLAHAD…………

  • sana’y umupa na lang sila sa tamang lugar!! manapa’t ang kanilang gawi’y di kagalang-galang…

Loading...