Daily Living Politics

We Need A Change

Once again, the nation have spoken, the nation voted for the officials to rule the barangay. Although not all, as have heard from the news, there are still that are not, because of the pandemonium happened, it cannot be averted anyway, greedy!

We are done, mga mamamayan ang nagluklok sa mga opisyal na manunungkulan sa loob ng tatlong taon. Ang pag-unlad ng isang bayan ay nakasalalay hindi lamang sa mga taong naninirahan, ito’y pinangungunahan ng mga taong nanunungkulan. Di nga ba’t kaya sila naluklok ay dahil may mga pangarap silang nais tupdin para sa kinabukasan ng bayan? ng barangay?  Ilang taon na akong naninirahan sa aking bayang sinilangan, at ramdam ko kung may magandang pagbabagong nangyayari. Ang mga mata ko ang buhay na patunay kung may pag unlad ba o wala. Meron marahil, sa kanya kanyang pagsisikap, mawawari ang naglalakihang bahay na madadaanan, noon ang mga ito ay wala. Subalit, kung ang paagbabasihan ay ang mga inprastraktura, masasabi mo kayang kami ay may pag-unlad? Nais namin ng pagbabago, hindi lamang ako, kundi lahat ng tao.

Una naming naranasang maglakad sa sementong daan nung kami’y nasa ika-5 baitang, kalsadang sinemento sa tapat ng iskul hanggang ilaya, mga abot-tanaw pa ng mata. Nadagdagan naman unti-unti, pero hindi lahat. Putol putol na sementong kalsada. Marahil ang magandang tawag sa amin ay hindi Barangay Cabatang kundi Barangay Putol 🙂 peace….. Wala akong masamang hangarin sa aking paglalahad, ang nais ko’y pagbabago na nawa, sa mga bagong luklok na barangay opisyal ay magpursige silang tapusing buuin ang sementadong kalsada. Marahil nama’y magagawa natin iyon sa loob ng tatlong taon bago matapos ang ating termeno tama po ba? Hindi man nagawa ng mga nakaraang opisyal ang ilan sa ating mga pangangailangan, nawa sa inyong panunungkulan ito ay ating maisakatuparan.

Ninanais ko pa ding manirahan at tumanda sa aking bayang sinilangan, kahit alam kong may kaunting bagal ang pag-unlad, mahal ko po ito kaya nais ko ng maganda at malawakang pagbabago.

Naalala ko nga po pala, isang kakilala ko ang nagsabi na ayaw nya manirahan sa ating lugar dahil naaawa sya, pag dumadaan sya sa kalsada, ang alikabok at ang lubak pa. Isa lang po sya na sumuko na, nanaiisin pa ba nating lahat sa ating lugar ay ganyan ang maramdaman? Nakakalungkot po…. Kaya sana, may malaking pagbabagong naghihintay para sa ating lahat.

Maraming salamat po mga ka-barangay, wala po akong masamang hangarin kundi ang pagbabago. Hindi po tayo iba sa isa’t isa, halos lahat po tayo ay magkaka mag-anak at magkakakilala…. Congratulations sa mga nanalo at hangad ko ang katuparan ng inyong mga hangarin para sa ating barangay!

Till then,

Photobucket