Daily Living Life Personal Society & Culture

Nasaan ang Gentleman?

Mahigit kalahating oras na akong nakatayo dito sa bus na aking sinasakyan galing Mexico Pampanga patungong Cubao.

Inihatid ako ng aking kabiyak at ng aming anak sa bandang Lagundi kung saan umiikot ang mga bus. Pang 4 na bus, Cubao ang dumaan. Pag senyas ko na sasakay ako, sinagot sa akin eh taas ng braso, ibig sabihin, tatayo na. Okay lang sabi ko, ang mahalaga eh makapasok ako ng maaga. Pag akyat ko akala ko 2 lang ang nakatayo, subalit paglingon ko sa bandang likod, may 4 nang nakatayo, 2 sa kanila ay babae, dinagdagan ko pa. Nag obserba ako sa loob ng bus, habang papasok sa bandang likudan at maayos na makatayo. Pasahero at pawang mga lalaki, karamihan ay lalaki. Meron pa ngang isang pulis na tinitingnan lang ang dumadaan sa kanya. Pagsapit sa SM, nadagdagan na naman ang mga babaeng tumayo.

Nasaan ang mga maginoo? Nasaan ang mga lalaking may tunay at busilak ang pusong magpaubaya ng upuan sa mga kababaihan? Wala! Masasabi kong sa bus na sinasakyan ko ngayon, walang maginoong masasabi, mas gusto nilang matulog at maging komportable, may mga humihilik pa nga eh. Tsk tsk… iba na talaga ang panahon ngayon, mabinilang mo na sa mga daliri mo, mangilan ngilan na lang sila na maginoo. Nakakalungkot. Sinasabi ko ito hindi dahil walang nagpaubaya mg upuan sa akin kundi dahil naoobserbahan ko naman ito sa araw araw kong pagbyahe. Anong pake nila kung nakatayo mga babae? Basta sila eh maginhawang nakaupo, natutulog at humihilik.

At eto pa…. Tuwing Byernes kug kelan mas maraming pasahero ang nagnanais umuwi sa kanilang probinsya sa Norte, mas marami din ang nagpapatunay na wala ang pagkamaginoo. Dunarating ako sa Genesis terminal na punong puno ng tao, naghihintay ng bus patungong Bataan. Doon din ako sasakay baba ng Mexico. Madalang ang dating ng bus dahil sa trapiko, kaya naman pagdating nila sa terminal ayan na ang komosyon, unahan na sa pag akyat. At, dahil mas malakas silang mga lalaki, nakikipag unahan talaga sila sa pag akyat. May mga pagkakataon pa ngang naiipit ako dahil sa panggigitgit nila. Kakalungkot. Kahit sa LRT, ng minsang pag akyat ko saktong dating ng LRT so wala akong choicr kung hindi sumakay sa panglalaki/pangbabaeng lugar. Madalas kasi ako sa puro babae lang para magsiksikan man, walang problema, babae kami lahat. Nakakatawa, habang nag aabang ng pagbukas ng pinto ng lrt, hayun ang mga tatay pandalas sa pakikipag unahan sa upuan. O di nga naman eh nakaupo sila at ang mga matatanda at babae ang nakatayo. Ang galing di ba?

Ayan tuloy, nakapag blog ako habang nakatayo. Kasi naman tayo eh, walang pakundangan sa mga kababaihan. Nasaan ang gentleman?

At sa mga mangilan ngilang maginoo, saludo kami sa inyo! Ipagpatuloy nyo lang ang maganda at nararapat na asal. Salamat sa inyo!

blog signature for i just opine